| Entertainment Forum |
|
|
|
| By Star M. - AFF | |
| Wednesday, 03 September 2008 | |
|
I watched the interview of Luis Manzano with his mom, Gov. Vilma Santos on Entertainment Live sa TFC and I was impressed on how casual the interview went. Siyempre no, nanay mo kaya ang pagtatanungin mo on national TV? Well, it was entertaining to see how they complimented each other. It was a light and funny interview. Binuking pa nga ni Ate Vi si Luis about Angel Locsin. Eto raw ang isa sa pinakagusto niya sa lahat ng mga nakilala niyang kaibigan ng anak dahil marespeto at mabait daw na bata. ****** Tuloy-tuloy naman ang mga projects ni Angel sa bakuran ng mga kapamilya niya sa ABS-CBN. After Angel and Piolo’s hit teleserye series Lobo ay susunod naman nilang gagawin ang pelikula niya with Papa Piolo Pascual na 15th year anniversary movie offering ng Star Cinema. ****** Pantasya ng Bayan Joyce Jimenez exchanged marriage vows with Filipino-American boyfriend Paul Eli Egbalic on August 22, 2008 at Walnut, California. Marami ang nagtatanong kung buntis ba ang naturang actress kaya naging madalian ang pagpapakasal niya. Deny-to-death naman si Joyce at sinabi niya sa interview niya kay Ricky Lo sa Startalk na gusto lang niya na tahimik ang lahat. Dagdag pa ni Joyce, “I just wanted everything to have fallen in place as possible. I wanted to be it on my own." Sinabi rin Joyce kay Ricky Lo na nagkakilalaila sila ni Paul last December 2005. They started going out by April or May 2006, and they got engaged.****** Nakalipas lang ang tatlong araw ng isinilang ni Jennylyn Mercado ang first baby niya via caesarian section noong August 16, 2008 ay pumanaw naman ang kinikilala niyang ama na si Rogelio Mercado. Diabetes complications diumano ang dahilan ng pagpanaw ng 69 years old na adopted father ni Jennylyn. Nakita naman daw ni Mang Rogelio ang apo bago ito pumanaw. ****** Sinadya ba o nagkataon lang talaga na ang labas ng special birthday celebration nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Araneta coliseum ay kasabay ng first day of showing ng movie nina KC Concepcion at Richard Gutierrez sa August 27? E ano naman care ko? Kasi kahit sabay sila e di pa rin ako makakapanood dahil nandito ako sa Arizona. Wait ko na lang and DVD nila no. Ang pelikulang For the First Time which stars KC, junakis ni Shawie kay Gabby Concepcion, and Richard, anak naman ni Annabel Rama kay Eddie Gutierrez , in case di alam ng madlang Arizonans, ay dinirek ni Bb. Joyce Bernal. Teka, bakit ba may Bb. Siya, e ba’t yung iba e walang Gng.? Hmmm. In fairness, cute siya pakinggan. Ako rin kaya, Bb. Star M. Wagi!!! Eto na po ang txt lingo naten for the week - OMG as in Oh my gosh! In case di nyo pa gets to. Jos me. ;) O siya, mga forumnistas, sosyalistas, at fashionistas ng Arizona, hanggang sa muli. Vavush! P.S. Just in case gusto nyo pa ng chika about patutsadahan nina Willie Revillame at Joey de Leon because of Pokwang-Aswang issue, e bahala na lang kayo magsearch sa internet o kaya e youtube nyo na lang at nang mapanood nyo ang video. Hala, vavush na talaga! |
|
| Last Updated ( Saturday, 31 January 2009 ) |
| Next > |
|---|













