Calendar Date

Feb
08
2012
Today

Login Form

  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
  • Advertisement
Araw Ng Mga Puso PDF Print E-mail
By Jay De Leon   
Saturday, 31 January 2009
Taon-taon tayo ay nagdiriwang
Nang araw ng mga puso ang bilang
Sa mga tao  itong nagmamahalan lang
Hindi kasali ang samahang maaanghang.

Ang araw bang ito ay sa magkasintahan?
Na nagmamahalan ng matamis na pukyutan
Hindi sila nagaaway at nagkakatampuhan
Rosas ang kanilang nakikita sa kapaligiran.

Ang araw ng mga puso ay para sa lahat
Ipakita ang pagmamahal na walang puknat
Hindi lamang kapag sa araw na nilalagnat
Sa buong taon ito ipinadadama ang dapat.

Sa magulang ano ang dapat gawin ng anak?
Material na bagay ba ang siyang nararapat?
Magulang ay masaya na hindi na maiiyak
Kapag  tamang landas ang iyong tinatahak.

Sa asawa naman ano and dapat na regalo?
Bulaklak ba o tsokolate ang bagay dito?
Matatamis na halik at yakap ay hustado
Pati pangako na tapat at hindi magbabago.

Gayon din sa Diyos Ama ay ‘di dapat makalimot
Magdasal ng taimtim at maghandog ng ‘di bagot
Magpatawad sa lahat at sakit ay ilibing sa limot
Upang ang damdamin at puso ng lahat ay magamot.

    Inspirational Quotes

“Let the morning Sun recharge you with tireless energy to go through
the day. Let God’s providence be a reminder that He prepared the
for you today.”

“Everyday we face life without knowing what lies ahead. Nevertheless,
 beyond this uncertainty stands the certainty that God cares.”

“Good health is not a result of medicines. It comes from peace of mind,
heart and soul.”


Pagtawa Ay Gamot (Joke Only)

Erap: Nageehersisyo 1234 amen, 5678 amen
          8765 amen, 4321 amen.
Jinggoy : Bakit Daddy may kasama pang Amen ang
        pageehersisyo po ninyo?
Erap: Sabi  ng Doctor ko “Exercise
         Religiously”, eh.

Estudyante: Kumukuha ng tests. Gumagamit ng Kodigo.
Teacher: Ano ang nakasulat sa papel na nasa kamay mo?
Estudyante: Mam, sinulat ko po ang dasal ko kay Lord.
Teacher: Binasa ang sulat. Aba! Answer sa exams ito ah!
Estudyante: Ganun po ba? Sinagot na din ni Lord ang
                    Dasal ko. AMEN!

Totoy: Alam mo ba kung bakit may sabaw ang
           Balot?
Bokyo: Para may inumin siya.
Totoy: Mali Bokyo. Ikaw nga ang ikulong sa shell
            ng matagal, eh saan ka jijingle? Aber…
 




 
< Prev   Next >
Advertisement

Featured Ads

noimage
jhjnai
( / Jobs)

Search Classified Ads

 

Sports

Finance